Monday, September 30, 2024

Paglisan


Sa maraming pinagsamahan at sa iyong paglisan 

Kalaban ay panglaw pagkat labis na nasaktan 

Nais manahimik subalit ang pait ay sumisigaw 

Nakamasid sa alapaap, buwan ay tinatanglaw


Pagpatak ng mga luha'y 'di na maampat, 

Walang tigil sa paghikbi, hindi maipagtapat

 Mga pangyayaring kaytagal nang naganap 

Subalit ang sugat ay nananatiling nalalasap


Mga alaalang nabuo na 'di malilimutan 

Marahil sa haba na rin ng ating pinagsamahan 

Hindi nawawaglit siphayo ng kaisipan 

Na ikaw hanggang ngayon ang nananatiling kaibigan.


Pipilitin ang sariling pagkawala mo'y tanggapin, Ililihis ang paningin at itutuon sa ibang landasin 

Isasapuso, isasaisip ang lahat ng iyong bilin,

 Kahit'y kaakibat ay alaalang dala'y hapis sa damdamin.


Batid ko na sa iyong patutunguhan, 

Malulunasan ang idinaraing na sakit karamdaman 

Ngayo'y isa lang ang aking natatanging kahilingan, 

Ang sandaling alaala'y manatiling pahalagahan.

Wednesday, September 25, 2024

Paglalakbay patungo sa Pangarap na Inaasam


 Magandang araw po sa inyong lahat!

Una sa lahat, nais kong batiin ang ating mahal na tagapamatnubay Ma’am Ladylyn T. Hugno, at mga kapwa kong mag-aaral. Isang mainit na pagbati rin po sa mga hurado na naririto ngayong araw. Ako po si Vilmalyn L. Basilan mula sa Batsilyer Pangsekondaryang Edukasyon, Medyor sa Filipino.

Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang pangarap sa buhay. Ang pangarap ay hindi agad natin basta-basta nakukuha. Ang pangarap ay mahabang daan at maraming proseso ang iyong mapagdadaan para makamit ang ating inaasam. Ito ay punong-puno ng ating pagsusumikap, sakripisyo at pagtitiis na ating mararanasan para matupad ang ating minimithi.

Marami tayong pagsubok na haharapin, lagi natin itong pakatatandaan dahil parte ito ng ating pag-unlad. Huwag tayong mawalan ng pag-asa sa mga problema na dumadating sapagkat gawin natin itong inspirasyon para malapasan ang mga pagsubok.

Mayroon man tayong araw na nagkakamali ngunit gawin nating itong aral dahil ito ay gabay para mapagtibay at mapalakas pa ang ating kakayahan. At hindi hadlang ang katayuan sa buhay kong mahirap man ang sitwasyon ang mahalaga ay makahanap ng paraan kung paano malalampasan ang pagsubok para matupad ang ating pangarap na inaasam at makaahon sa buhay.

 Lahat ng pagsubok sa buhay ay may sulosyon at lagi natin isipin na binigay ito ng Diyos para tumatag at lumakas ang ating loob para sa ating inaasam. At lagi tayong magtiwala sa ating mga sarili para magkaroon na magandang kalalabasan.

Sa kabuuan, lahat tayo ay may pangarap, batid din ng marami sa atin na hindi madali ang pag-abot nito. Ngunit kung tayo ay pursigido sa buhay na maabot ito lahat ay ating gagawin para magtagumpay. Simple lang ang pangarap ko sa buhay, at yun ay maging isa akong guro, kaya naman lahat ginagawa ko upang makapagtapos ng pag-aaral. Marami mang balakid sa buhay ay hindi ako nagpapatinag, dahil alam ko na isa lamang pagsubok ang mga ito.

At dito lamang po natatapos ang aking talumpati. Maraming salamat po sa inyong pakikinig. Muli ako po si Vilmalyn L. Basilan.


Monday, September 23, 2024

Ala-ala

 


Alam mo?

Sa bawat gabing gising ako,

Wala akong ibang hiniling,

Kasi habang malalim ang gabi,

Naalala kita,

Naalala ko ang yakap mo,

Ang halik mo,

Lalo na ang ‘yong lambing

Paano ko makalimutan ang lahat,

Kung ang lahat sa akin ay hindi naging sapat,

Pilit ko mang itapon nalang,

At iwanan ang kahapon nang tuluyan,

Ngunit hindi ko magawa dahil ikaw,

Ang tunay na mahal araw-araw,

Na ngayo’y hindi ko na matanaw,

Sa katotohanang pagkapanlaw,

Wala ka sa aking tabi ngunit nandtito parin,

Mga alaalang nagpapaalala sa akin,

Na ngayong nais ka paring yakapin,

Kahit na mapasa-pormeng hangin.


Friday, September 20, 2024

Transport strike vs PUV modernartion program, ikinasa muli ng PISTON at MANIBELA(Editorial)


Noong Setyembre 23-24, 2024, muling ikinasa ng mga grupong PISTON at MANIBELA ang transport strike bilang pagtutol sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ng gobyerno. Ang nasabing programa ay naglalayong i-phase out ang mga tradisyunal na jeepney at UV Express upang mapalitan ng mga mas makabagong, environment-friendly na sasakyan. Ngunit para sa mga tsuper at operator, ang mataas na halaga ng mga bagong sasakyan ay nagiging isang napakalaking problema.Ang mga protesta ay isinagawa sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at ilang mga probinsya, at nagresulta sa pagkabalam ng mga biyahe, na nakaapekto sa libu-libong pasahero. Dagdag pa rito, ikinababahala ng mga nagpoprotesta ang posibleng pagkawala ng kabuhayan ng mga tsuper at operator kung ipipilit ang agarang implementasyon ng programa nang walang sapat na suporta.

           Ayon sa mga tsuper at operator, ang programa ay nagpapahirap sa kanilang kabuhayan dahil sa mataas na halaga ng mga modernong sasakyan na ipinag-uutos na ipalit sa mga jeepney at UV Express. Bukod sa mataas na presyo ng mga bagong unit, nangangailangan din ito ng mas malaking gastos sa maintenance at gasolina. Higit pa rito, marami sa kanila ang walang kakayahang makakuha ng pautang o pondo upang masunod ang programa.Dahil dito, sila’y humihiling ng isang mas makataong solusyon na hindi magdudulot ng pagkawala ng hanapbuhay ng maraming tsuper, gaya ng mas mababang halaga ng mga sasakyan o mas mahaba pang panahon para sa implementasyon. Dahil sa strike, naapektuhan ang kabuhayan ng mga jeepney driver at operators, at ang mga pasahero naman ay nahirapan sa paghahanap ng alternatibong masasakyan sa araw ng protesta.


Wikang Mapagpalaya




Ang mga salita’y gabay sa ating paglalakbay,

Binibigyan tayo ng lakas, boses na may saysay.

Isang tinig na dati’y nawawala’t mahina,

Ngayo’y malakas, naririnig ng bawat isa.


Sa mga salita, tanikala’y napapatid,

Binibigyan tayo ng pag-asa’t puso’y gising sa paligid.

Ibinabahagi ang damdamin at pagkalinga,

Sa bawat salitang lipad, damang-dama ang pagsinta.


Tinutulungan tayo ng wika upang mangarap,

Nagbibigay laya’t daang malawak.

Inilalapit tayo sa bawat isa,

Pinalalaya sa takot, bumubuo ng saya.

Kaya’t gamitin ang mga salita nang may tapang,

Bawat boses, hayaan ang katotohanan ang siyang gabay.

Ang wika’y tanglaw sa landas na kay dilim,

Sa liwanag nito, ligtas tayong tatawid sa aliw-iw ng hangin.


Kahalagahan ng Wikang Filipino sa mga Pilipino


Mahalaga ang Filipino sa lahat na magkaroon ng maayos na komunikasyon.Napakahalaga sa ating lahat ito dahil ginagamit natin ito upang maunawaan ang lahat. Wikang Filipino rin ang nagbubuklod sa atin para magkaintindihan ang bawat mamamayang Filipino.Kahit na ang bansang Pilipinas ay may iba’t-ibang mga wikang ginagamit sa bawat isla ng Pilipinas gaya ng Bisaya, Ilonggo, Kapampangan at marami pang iba, nagkakaintindihan ang bawat isa kapag gumagamit ng Wikang Filipino.Napaka halaga ng wika hindi lang para sa ating mga Pilipino kundi sa lahat ng tao sa buong mundo at para mas madaling matukoy kung sino tayo at kung saan tayo nanggaling, dahil itoang nagsisilbing kaluluwa ng isang bansa at sagisag ng isang bansa. Ang Filipino rin ang siyangnagbibigay ng pagkakakinlan na tayo ay isang Pilipino. Kaya kinakailangan na bigyan natin ito ng pagkakahalaga para na rin sa bagong henerasyon, para bigyan rin nila ito ng pagpapahalaga.Wikang Filipino rin ang ginagamit ng mga sinaunang Pilipino upang maibahagi nila ang mga nangyari sa panahon nila, malaking tulong ito upang mas lalo pa nating mapahalagahan ang mga kasaysayan ng ating bansa. Sana sa bagong henerasyon ay bigyan nila ito nagpapapahalaga. Malaking tulong rin ang pagtuturo ng mga guro noong nasa elementarya pa tayo,doon ay tinuturuan tayo kung paano ito isaayos ang mga salitang Filipino na paraang ginagamit.


Mahalaga ang wikang Filipino sa buhay nating Piilipino dahil ang wika nating ito ay nag sisilbing koneksyon para sa lahat nang Pilipino dahil maraming ibat-ibang linggwahe ang mga Pilipino. Sa pamamagitan nang wikang flipino nagkakaruon tayo nang tinatawag na pagkaka-intindihan sa bawat isang Pilipino na nandito sa Bansang Pilipinas at sa ibang bansa. Mahalaga rin ang wikang Filipino sa bawat isang Pililino sa buong mundo dahil sa pamamagitan nito ay nagkakaroon tayo pagkakaisa ay pag-uunawaan. Ito ay mangyayari lamang sa pamamagitan ng iisang wika tulad nang wikang Filipino sa ating Pilipino na nag sisilbing koneksyon sa lahat nang Pilipino.

Thursday, September 19, 2024

Pagpapakilala


 Magandang araw! Ako si Vilmalyn L. Basilan, isang dalawampu't dalawang taong gulang na estudyante sa Mindoro State University, kasalukuyang kumukuha ng Batsilyer sa Pang-Sekundaryang Edukasyon na may espesyalidad sa Filipino. Sa ngayon, ako ay nasa ikatlong taon ng aking pag-aaral at nakatira sa San Isidro l, Victoria, Oriental Mindoro 

Bilang isang kabataan, pinapangarap ko ang makapagtapos ng aking pag-aaral upang maipakita ang aking pasasalamat sa mga sakripisyo ng aking mga magulang. Bagamat maraming pagsubok at hamon ang aking kinakaharap, naniniwala akong ang mga ito ay bahagi ng aking paglalakbay patungo sa aking mga layunin. Sa kabila ng mga hamon, hindi ako nawawalan ng pag-asa at patuloy na nagsusumikap upang makamit ang aking mga pangarap.

Laban Lang Kapwa ko Mag-aaral

 Para sa mga kapwa mag-aaral na nakakaranas ng mga pagsubok, nais kong iparating na hindi ka nag-iisa sa iyong pinagdadaanan. Alam ko na min...