Friday, September 20, 2024

Kahalagahan ng Wikang Filipino sa mga Pilipino


Mahalaga ang Filipino sa lahat na magkaroon ng maayos na komunikasyon.Napakahalaga sa ating lahat ito dahil ginagamit natin ito upang maunawaan ang lahat. Wikang Filipino rin ang nagbubuklod sa atin para magkaintindihan ang bawat mamamayang Filipino.Kahit na ang bansang Pilipinas ay may iba’t-ibang mga wikang ginagamit sa bawat isla ng Pilipinas gaya ng Bisaya, Ilonggo, Kapampangan at marami pang iba, nagkakaintindihan ang bawat isa kapag gumagamit ng Wikang Filipino.Napaka halaga ng wika hindi lang para sa ating mga Pilipino kundi sa lahat ng tao sa buong mundo at para mas madaling matukoy kung sino tayo at kung saan tayo nanggaling, dahil itoang nagsisilbing kaluluwa ng isang bansa at sagisag ng isang bansa. Ang Filipino rin ang siyangnagbibigay ng pagkakakinlan na tayo ay isang Pilipino. Kaya kinakailangan na bigyan natin ito ng pagkakahalaga para na rin sa bagong henerasyon, para bigyan rin nila ito ng pagpapahalaga.Wikang Filipino rin ang ginagamit ng mga sinaunang Pilipino upang maibahagi nila ang mga nangyari sa panahon nila, malaking tulong ito upang mas lalo pa nating mapahalagahan ang mga kasaysayan ng ating bansa. Sana sa bagong henerasyon ay bigyan nila ito nagpapapahalaga. Malaking tulong rin ang pagtuturo ng mga guro noong nasa elementarya pa tayo,doon ay tinuturuan tayo kung paano ito isaayos ang mga salitang Filipino na paraang ginagamit.


Mahalaga ang wikang Filipino sa buhay nating Piilipino dahil ang wika nating ito ay nag sisilbing koneksyon para sa lahat nang Pilipino dahil maraming ibat-ibang linggwahe ang mga Pilipino. Sa pamamagitan nang wikang flipino nagkakaruon tayo nang tinatawag na pagkaka-intindihan sa bawat isang Pilipino na nandito sa Bansang Pilipinas at sa ibang bansa. Mahalaga rin ang wikang Filipino sa bawat isang Pililino sa buong mundo dahil sa pamamagitan nito ay nagkakaroon tayo pagkakaisa ay pag-uunawaan. Ito ay mangyayari lamang sa pamamagitan ng iisang wika tulad nang wikang Filipino sa ating Pilipino na nag sisilbing koneksyon sa lahat nang Pilipino.

No comments:

Post a Comment

Laban Lang Kapwa ko Mag-aaral

 Para sa mga kapwa mag-aaral na nakakaranas ng mga pagsubok, nais kong iparating na hindi ka nag-iisa sa iyong pinagdadaanan. Alam ko na min...