Una sa lahat, nais kong batiin ang ating mahal na tagapamatnubay Ma’am Ladylyn T. Hugno, at mga kapwa kong mag-aaral. Isang mainit na pagbati rin po sa mga hurado na naririto ngayong araw. Ako po si Vilmalyn L. Basilan mula sa Batsilyer Pangsekondaryang Edukasyon, Medyor sa Filipino.
Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang pangarap sa buhay. Ang pangarap ay hindi agad natin basta-basta nakukuha. Ang pangarap ay mahabang daan at maraming proseso ang iyong mapagdadaan para makamit ang ating inaasam. Ito ay punong-puno ng ating pagsusumikap, sakripisyo at pagtitiis na ating mararanasan para matupad ang ating minimithi.
Marami tayong pagsubok na haharapin, lagi natin itong pakatatandaan dahil parte ito ng ating pag-unlad. Huwag tayong mawalan ng pag-asa sa mga problema na dumadating sapagkat gawin natin itong inspirasyon para malapasan ang mga pagsubok.
Mayroon man tayong araw na nagkakamali ngunit gawin nating itong aral dahil ito ay gabay para mapagtibay at mapalakas pa ang ating kakayahan. At hindi hadlang ang katayuan sa buhay kong mahirap man ang sitwasyon ang mahalaga ay makahanap ng paraan kung paano malalampasan ang pagsubok para matupad ang ating pangarap na inaasam at makaahon sa buhay.
Lahat ng pagsubok sa buhay ay may sulosyon at lagi natin isipin na binigay ito ng Diyos para tumatag at lumakas ang ating loob para sa ating inaasam. At lagi tayong magtiwala sa ating mga sarili para magkaroon na magandang kalalabasan.
Sa kabuuan, lahat tayo ay may pangarap, batid din ng marami sa atin na hindi madali ang pag-abot nito. Ngunit kung tayo ay pursigido sa buhay na maabot ito lahat ay ating gagawin para magtagumpay. Simple lang ang pangarap ko sa buhay, at yun ay maging isa akong guro, kaya naman lahat ginagawa ko upang makapagtapos ng pag-aaral. Marami mang balakid sa buhay ay hindi ako nagpapatinag, dahil alam ko na isa lamang pagsubok ang mga ito.
At dito lamang po natatapos ang aking talumpati. Maraming salamat po sa inyong pakikinig. Muli ako po si Vilmalyn L. Basilan.
No comments:
Post a Comment