Friday, September 20, 2024

Transport strike vs PUV modernartion program, ikinasa muli ng PISTON at MANIBELA(Editorial)


Noong Setyembre 23-24, 2024, muling ikinasa ng mga grupong PISTON at MANIBELA ang transport strike bilang pagtutol sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ng gobyerno. Ang nasabing programa ay naglalayong i-phase out ang mga tradisyunal na jeepney at UV Express upang mapalitan ng mga mas makabagong, environment-friendly na sasakyan. Ngunit para sa mga tsuper at operator, ang mataas na halaga ng mga bagong sasakyan ay nagiging isang napakalaking problema.Ang mga protesta ay isinagawa sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at ilang mga probinsya, at nagresulta sa pagkabalam ng mga biyahe, na nakaapekto sa libu-libong pasahero. Dagdag pa rito, ikinababahala ng mga nagpoprotesta ang posibleng pagkawala ng kabuhayan ng mga tsuper at operator kung ipipilit ang agarang implementasyon ng programa nang walang sapat na suporta.

           Ayon sa mga tsuper at operator, ang programa ay nagpapahirap sa kanilang kabuhayan dahil sa mataas na halaga ng mga modernong sasakyan na ipinag-uutos na ipalit sa mga jeepney at UV Express. Bukod sa mataas na presyo ng mga bagong unit, nangangailangan din ito ng mas malaking gastos sa maintenance at gasolina. Higit pa rito, marami sa kanila ang walang kakayahang makakuha ng pautang o pondo upang masunod ang programa.Dahil dito, sila’y humihiling ng isang mas makataong solusyon na hindi magdudulot ng pagkawala ng hanapbuhay ng maraming tsuper, gaya ng mas mababang halaga ng mga sasakyan o mas mahaba pang panahon para sa implementasyon. Dahil sa strike, naapektuhan ang kabuhayan ng mga jeepney driver at operators, at ang mga pasahero naman ay nahirapan sa paghahanap ng alternatibong masasakyan sa araw ng protesta.


No comments:

Post a Comment

Laban Lang Kapwa ko Mag-aaral

 Para sa mga kapwa mag-aaral na nakakaranas ng mga pagsubok, nais kong iparating na hindi ka nag-iisa sa iyong pinagdadaanan. Alam ko na min...