Friday, November 29, 2024

Maikling Kwento



 Ang Hagupit ng Bagyong Kristine

           Sa bayan ng San Pascual, isang tahimik na lugar sa Isabela, abala si Mang Kanor sa kanyang bukirin. Araw-araw niyang nililinang ang lupa para sa kanilang hanapbuhay. Ngunit noong araw na iyon, napansin niya ang kakaibang ihip ng hangin. Ang madilim na ulap ay tila nagbabadya ng masamang panahon. “Mukhang paparating ang bagyo,” sabi niya sa sarili habang mabilis na tinatapos ang gawain.

            Pagdating niya sa bahay, sinalubong siya ni Aling Marie, ang kanyang asawa. “, sabi sa radyo, Signal No. 4 na daw! Kailangang maghanda tayo agad,” wika nito habang abala sa pag-iimpake ng mga gamit. Nakita niyang abala rin ang kanilang mga anak na sina Ella at Jay. “Tay, ano po ang gagawin natin? Nakakatakot po ang bagyo,” tanong ni Ella habang hinahawakan ang isang maliit na bag. “Huwag kayong mag-alala. Ang mahalaga, magkasama tayo,” sagot ni Mang Kanor habang inaayos ang mga lubid na itatali sa bubong.

         Pagsapit ng gabi, nagsimula nang magwala ang bagyo. Malakas ang ulan at hangin, tila gusto nitong sirain ang kanilang maliit na bahay. Ang bawat kalampag ng yero ay nagdulot ng kaba sa kanilang pamilya. “Kanor, lumalakas pa ang ulan!” sigaw ni Aling Marie habang yakap ang mga bata. Biglang bumigay ang likurang dingding ng bahay at pumasok ang tubig baha. “Marie, kailangan na nating lumikas!” sigaw ni Mang Kanor.

        Mabilis nilang kinuha ang ilang gamit na maaari nilang dalhin. Mahigpit na hinawakan ni Mang Kanor ang kamay ni Jay, habang si Aling Marie naman ay bitbit si Ella. Sa labas, halos hindi na nila makita ang daan dahil sa lakas ng ulan at hangin. Ang tubig baha ay mabilis na tumataas, kaya’t dahan-dahan silang naglakad patungo sa evacuation center.

           Pagdating nila roon, maraming tao ang naghahanap din ng masisilungan. May mga umiiyak, may mga tahimik na nagdarasal, at may mga naghahanap ng kanilang mga nawawalang mahal sa buhay. Inilagay ni Aling Marie ang kanilang mga anak sa gilid upang makapagpahinga. “Ang mahalaga, ligtas tayong lahat,” wika niya habang pinupunasan ang mga basang damit ng mga bata.

          Kinabukasan, nang humupa ang bagyo, bumalik si Mang Kanor sa kanilang bahay upang tingnan ang kalagayan nito. Ngunit halos hindi niya makilala ang paligid. Wasak ang kanilang bahay; ang mga dingding ay natangay ng tubig baha, at ang kanilang taniman ng palay ay lubog sa putik. Napaupo siya sa lupa, iniisip kung paano sila magsisimula.

           “Mahal, kaya natin ito. Magtutulungan tayo,” sabi ni Aling Marie na umupo sa tabi niya. Sa tulong ng kanilang mga kapitbahay, unti-unti nilang inayos ang kanilang bahay. Sama-sama silang naglinis, nagtayo ng pansamantalang silungan, at muling nagtanim sa kanilang bukid. Sa kabila ng hirap, hindi sila nawalan ng pag-asa.

              Lumipas ang mga linggo, unti-unting bumalik ang sigla ng kanilang buhay. Bagamat hindi pa buo ang kanilang bahay, masaya silang magkakasama. “Ang mahalaga, buhay tayo. Magtutulungan tayo para bumangon,” sabi ni Mang Kanor habang pinapanood ang kanyang mga anak na naglalaro sa harapan ng kanilang tahanan. Sa bawat hamon, natutunan nilang huwag sumuko. Sa likod ng bagyo, palaging may bagong umaga at pag-asa.


Tuesday, November 26, 2024

Pagsusuri ng Tata Selo ni Rogelio R. Sikat

 


TATA SELO

Ni Rogelio R. Sikat

            Sa isang nayon ay naninirahan si Tata Selo, isang matandang magsasaka na masikap sa kanyang gawain. Naging malungkot ang kanyang buhay nang ang lupaing matagal na niyang sinasaka ay inagaw ni Kabesang Tano, isang mayaman at makapangyarihang tao sa kanilang lugar. Nagmakaawa si Tata Selo na huwag kunin ang lupa dahil doon umaasa ang kanyang pamilya, ngunit hindi siya pinakinggan. Sa halip, pinagbuhatan pa siya ng kamay ng Kabesa, dahilan upang siya’y mawalan ng pasensya. Dahil sa galit at kawalang-pag-asa, nagawa niyang tagain si Kabesang Tano gamit ang itak. Nahuli si Tata Selo at dinala sa himpilan ng pulisya, kung saan naranasan niya ang matinding hirap at pag-aalipusta. Dumalaw ang kanyang anak na si Saling, ngunit kitang-kita ni Tata Selo na ang anak niya’y may malubhang karamdaman. Habang nakakulong, pinag-uusapan siya ng mga tao sa paligid, ngunit wala ni isa ang tunay na nakisimpatya sa kanyang kalagayan. Lumitaw sa kwento ang kawalan ng hustisya sa lipunan, kung saan laging panig ang batas sa mga makapangyarihan. Ang kalagayan ni Tata Selo ay nagpakita ng diskriminasyon sa mga mahihirap at ng agwat ng mayayaman at mahihirap. Sa kabila ng kanyang paghingi ng hustisya, siya’y nanatiling nakakulong at tila kinalimutan ng lipunan. Ang kanyang karanasan ay isang salamin ng mapait na realidad na dinaranas ng maraming magsasaka. Sa huli, naiwang mag-isa si Tata Selo, puno ng lungkot at panghihinayang sa kanyang sinapit.

I. URI NG KWENTO

       Ang kwento ay isang Trahedya. Ipinapakita nito ang kalungkutan at mga pagsubok na kinaharap ni Tata Selo, pati na rin ang hindi pagkakaroon ng hustisya sa lipunan.

II. PAMAGAT

       Ang pamagat ng kwento ay “Sa mga Kuko ng Liwanag”.

      III. NILALAMAN

A. Tauhan

Tata Selo – Isang matandang magsasaka na naging biktima ng hindi makatarungang pag-aari ng lupa.

             Kabesang Tano – Isang mayamang tao na kumuha ng lupa ni Tata Selo.

                Saling – Anak ni Tata Selo na may sakit at dumalaw sa kanya habang siya ay nakakulong.

       B.Tagpuan

              Ang kwento ay nangyari sa isang maliit na nayon kung saan nakatira si Tata Selo at kung saan siya naging biktima ng hindi makatarungang sistema ng lipunan.

B. Galaw ng Pangyayari o Banghay

Pangunahing Pangyayari

           Ang lupa ni Tata Selo ay inagaw ni Kabesang Tano, kaya nagmakaawa si Tata Selo para hindi ito kunin.

            Pasidhi o Pataas na Pangyayari

          Si Tata Selo ay nawalan ng pasensya at pinagtanggol ang kanyang lupa sa pamamagitan ng pagtaga kay Kabesang Tano.

             Karurukan o Kasukdulan

           Nahuli si Tata Selo at dinala siya sa himpilan ng pulisya, kung saan naranasan niya ang matinding paghihirap.

     Kakalasan o Pababang Aksyon

           Ang kalagayan ni Tata Selo ay patuloy na lumalala habang siya ay nakakulong at nakaharap sa maraming pagsubok.

Wakas

          Sa huli, naiwan si Tata Selo na puno ng kalungkutan at panghihinayang sa kanyang sinapit, na nagsilbing isang pagninilay sa kawalan ng hustisya.

III. TAGLAY NA BISA

          Ang kwento ay may matinding epekto sa mambabasa dahil ipinapakita nito ang kalupitan at hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan, pati na rin ang mga epekto ng hindi pagkakaroon ng hustisya.

IV. KAMALAYANG PANLIPUNAN

           Ipinapakita ng kwento ang mga isyung panlipunan tulad ng hindi pagkakapantay-pantay, katiwalian, at kalupitan ng mga may kapangyarihan laban sa mga mahihirap.

V. TEORYANG PAMPANITIKAN

             Ang teoryang ginagamit sa kwentong ito ay ang Realismo, na tumatalakay sa mga tunay na kalagayan ng buhay at ng mga tao sa lipunan.

Eksistensyalismo – Ang kwento ay nagpapakita ng paghahanap ni Julio, ang pangunahing tauhan, ng kahulugan ng buhay sa gitna ng mga pagsubok. Ang kanyang pakikibaka at mga desisyon ay nagpapakita ng kanyang pagnanais na maghanap ng kalayaan mula sa mga suliraning panlipunan at personal.

Marxismo – Sa kwento, makikita ang epekto ng istruktura ng lipunan sa buhay ng mga tauhan, lalo na ang kahirapan na dulot ng hindi pagkakapantay-pantay. Ang kwento ay tumatalakay sa klase ng lipunan at kung paano ang mga mayayaman at makapangyarihan ay namamayani, samantalang ang mga mahihirap ay patuloy na nagsusumikap para sa kanilang kaligtasan.

Feminismo – Habang hindi sentro ng kwento, ang karakter ni Ligaya, ang babae na kasangkot kay Julio, ay maaaring tignan sa pamamagitan ng lente ng Feminismo, dahil ang kanyang pag-iral at ang mga desisyon niya ay apektado ng mga inaasahan at limitasyon na ipinapataw ng lipunan sa mga kababaihan.


Sunday, November 24, 2024

Maikling Kwento (Pag-ibig na Naglaho)




 Pag-ibig na Naglaho

          Isang araw, may isang babae at lalaki na magkaklase sa kolehiyo. Si Vienna, tahimik pero masayahing estudyante, at si Rhile, palabiro ngunit seryoso sa mga mahalaga sa kanya. Hindi nila akalaing magiging malapit sila sa isa’t isa, pero sa araw-araw nilang pagsasama, unti-unting nabuo ang isang pagkakaibigang kakaiba.

        “Vienna, salamat ha, lagi kang nandiyan para sa akin,” sabi ni Rhile habang sabay silang naglalakad pauwi. Ngumiti si Vienna. “Siyempre naman. Ano pa bang silbi ng best friend?” sagot niya, sabay tawa.

          Lumipas ang isang taon at kalahating buwan, at napagtanto ni Rhile na higit pa sa kaibigan ang nararamdaman niya para kay Vienna. Isang hapon, nagdesisyon siyang aminin ito.“Vienna, gusto kita,” sabi niya, halata ang kaba sa boses.Nagulat si Vienna, ngunit napangiti rin. “Alam mo ba? Matagal ko nang nararamdaman ‘yan. Ako rin, Rhile.”

            Simula noon, naging magjowa sila. Masaya ang kanilang relasyon—puno ng tawanan, kwentuhan, at lambingan. Sa klase, sabay silang gumagawa ng projects; sa gabi, mahaba ang oras nila para mag-video call. Sa bawat araw na magkasama sila, lalong tumitibay ang pagmamahalan nila.

           Makalipas ang ilang linggo, napansin ni Vienna ang pagbabago kay Rhile. “Rhile, bakit parang hindi ka na masyadong nagpaparamdam?” tanong niya minsang hindi ito tumawag.

“Pasensya na, Vienna. Masyado lang akong abala sa ML ngayon,” sagot ni Rhile habang nakatutok ang mata sa kanyang cellphone.

            Sa una, sinubukan ni Vienna na intindihin ito. Pero habang tumatagal, naramdaman niyang hindi na siya bahagi ng mundo ni Rhile. Isang gabi, nagpasya siyang bitawan ito.

“Kung saan ka masaya, Rhile, hayaan na lang kita,” malungkot niyang sabi.

“Vienna, sorry,” sagot ni Rhile. Pero ramdam niyang huli na ang lahat.

      Lumipas ang dalawang taon. Si Vienna ay abala sa kanyang pag-aaral, pilit na binubuo muli ang sarili. Isang araw, habang nagba-browse siya sa Facebook, nakita niya ang profile ni Rhile. May bagong girlfriend ito noon, pero napansin niyang mag-isa na lang ito ngayon. Hindi niya alam kung bakit, pero nag-message siya.

“Kamusta ka na, Rhile?”

“Okay lang. Ikaw?” mabilis nitong sagot.

Nagkasundo silang magkita, at sa simbahan sila nagtagpo. Habang naglalakad palabas, napansin ni Vienna ang malaking pagbabago kay Rhile.

“Parang namayat ka,” puna niya.

“Nagdyi-gym kasi ako,” sagot ni Rhile, sabay pakita ng mas matipunong braso.

Napatawa si Vienna. “Ah, kaya pala. Ang laki ng braso mo.”

Habang nagkukwentuhan, biglang tumahimik si Rhile. “Vienna, sorry sa lahat ng nagawa ko noon. Alam kong nasaktan kita.”

Ngumiti si Vienna. “Napatawad na kita, Rhile. Matagal na.”

      Pag-uwi, masaya si Vienna. Pero kinabukasan, tila nagbago muli ang ihip ng hangin. Hindi na ulit nagparamdam si Rhile. Sa pagkakataong ito, hindi na siya nagtanong o naghintay. Kaya naman hindi na muling nangulitbsi Vienna.

Habang nakatingin sa salamin, sinabi ni Vienna sa sarili, “Ang mahalaga, natutunan ko nang mahalin ang sarili ko.”


Tuesday, November 19, 2024

Pagsusuri (Langaw sa Isang Basong Gatas Ni Amado V. Hernandez)

 





Langaw sa Isang Basong Gatas

Ni Amado V. Hernandez

Balangkas sa Pagsusuri ng Maikling Kwento

Una ang BUOD

               Ang kwentong Langaw sa Isang Basong Gatas ni Amado V. Hernandez ay nagsimula sa buhay ni Bandong, isang magsasaka, na nagdesisyong ipaglaban ang kanilang lupa laban sa isang makapangyarihang korporasyon. Nawala sa kanya ang lupaing minana mula sa kanyang mga ninuno, pati na rin ang mga ari-arian tulad ng baboy, manok, at mga puno ng mangga, bayabas, at iba pa. Nagpasya siyang labanan ang mga makapangyarihan, ngunit nag-atubili siyang pumunta sa kabesera dahil sa takot na maiiwan ang kanyang pamilya. Isang araw, dumating ang mga tauhan mula sa korporasyon at ginigiba ang kanilang bahay, pinutol ang mga puno, at pinaalis sila sa kanilang lupa. Nang makaalis, nagkaroon ng pagkakataon si Bandong at ang kanyang asawa, si Ana, na makipagsabwatan at maglunsad ng mga rally laban sa mga mayayaman at makapangyarihan. Ngunit, isang araw, dinakip si Ana at dinala sa isang bodega kung saan siya ay pinagsamantalahan at pinatay ng mga tauhan ng korporasyon. Nang malaman ni Bandong ang nangyari, nagalit siya at nagdesisyong maghiganti. Patuloy siyang naghanap ng mga impormasyon tungkol sa pinakamataas na tao sa korporasyon. Sa wakas, nagtagumpay si Bandong sa paghihiganti at pinatay ang isang mataas na opisyal ng korporasyon. Ngunit nang malaman ng mga awtoridad na siya ang may kagagawan, naging wanted siya at nagtago. Nang dakpin ang kanyang mga anak, nagdesisyon si Bandong na sumuko upang maprotektahan ang kanyang pamilya. Sa kabila ng kanyang pagsuko, pinatay siya ng mga awtoridad.

I. Uri

               Ang kwento ay isang drama na may halong tragedy at social realism. Ang mga pangyayaring inilahad sa kwento ay puno ng mga emosyon at makabagbag-damdamin na sitwasyon, kaya’t maaaring ituring itong isang tragedy. Samantalang ang pagtalakay sa mga isyu ng hindi pagkakapantay-pantay at kawalan ng katarungan sa lipunan ay tumutukoy sa social realism, kung saan ang mga mahihirap at ang kanilang laban para sa kanilang mga karapatan ang pangunahing tema ng kwento.

I. Pamagat

Langaw sa Isang Basong Gatas

               Ang pamagat ng kwento ay isang makapangyarihang simbolo na nagpapakita ng mga hindi maiiwasang bagay sa buhay na katulad ng langaw na hindi kayang alisin sa isang basong gatas. Ipinapahiwatig nito ang pagdurusa at kalupitan na hindi madaling matanggal, tulad ng kalagayan ng mga magsasaka at mga mahihirap sa ilalim ng mga makapangyarihan. Ang langaw sa basong gatas ay tumutukoy sa mga isyu ng hindi pagkakapantay-pantay at ang patuloy na pakikibaka ng mga tao upang makamtan ang katarungan sa kabila ng mga pagsubok.

Nilalaman

a. Tauhan

Bandong – Ang pangunahing tauhan ng kwento. Siya ay isang magsasaka na handang magsakripisyo at lumaban upang ipagtanggol ang kanyang pamilya at ang kanilang mga karapatan. Ang kanyang galit at paghihiganti laban sa mga may kapangyarihan ay nagpapakita ng kanyang matibay na determinasyon.

Ana – Ang asawa ni Bandong, na naging biktima ng pang-aabuso at pagkamatay sa mga kamay ng mga tauhan ng korporasyon. Si Ana ang naging dahilan ng mas matinding galit ni Bandong at nagbukas ng pintuan para sa kanyang paghihiganti.

Mga Kalalakihan mula sa Korporasyon – Ang mga makapangyarihang tao na kumokontrol sa lupa at ari-arian ng mga magsasaka. Sila ang mga dahilan ng lahat ng paghihirap at kalupitan na naranasan ni Bandong at ng kanyang pamilya.

Mga Anak ni Bandong – Sila ang mga biktima ng sistemang hindi makatarungan. Ang kanilang kaligtasan ay nagbunsod kay Bandong upang sumuko at magbigay daan sa isang mas malawak na pagbabago.

b. Tagpuan

              Ang tagpuan ng kwento ay sa isang probinsya kung saan matatagpuan ang mga sakahan at mga lupang minana mula sa mga ninuno. Ngunit ang kwento rin ay may mga eksena na nagaganap sa mga urban na lugar, tulad ng mga rally at ang mga tanggapan ng korporasyon. Ang pagkakaibang tagpuan na ito ay nagpapakita ng agwat sa pagitan ng buhay ng mga magsasaka at ng mga mayayaman at makapangyarihan sa lipunan.

c. Galaw ng pangyayari

              Nagsimula ang kwento sa pagkawala ng ari-arian ni Bandong at ang kanyang pagpapasya na lumaban para sa kanyang lupa at pamilya. Habang nakikipaglaban sila ni Ana, nagsimula silang magsagawa ng mga rally laban sa mga may kapangyarihan. Ang kalupitan na dinanas ni Ana ay nagdulot ng galit kay Bandong, na nagbigay-daan sa paghihiganti. Sa huli, matapos ang lahat ng pagsubok, nagdesisyon si Bandong na sumuko para sa kaligtasan ng kanyang mga anak.

D. Pangunahing Pangyayari

               Ang pangunahing pangyayari sa kwento ay ang pagkawala ng lupa at ari-arian ni Bandong, pati na rin ang brutal na pagpatay kay Ana. Ang pangyayaring ito ay nagbigay ng matinding galit kay Bandong, na nagtulak sa kanya upang maghiganti laban sa mga may kapangyarihan at makatawid sa mga pagsubok na dulot ng sistemang hindi makatarungan.

d. Pasidhi o pataas na pangyayari

               Ang pasidhi o pataas na pangyayari ay nang magsimula si Bandong at ang kanyang asawa ng mga rally laban sa mga mayayaman at makapangyarihan. Nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga magsasaka at mga tauhan ng korporasyon, at sa huli, ang pagkamatay ni Ana ay nagdulot ng matinding galit at paghihiganti kay Bandong, na nagtakda ng tono ng mga sumunod na pangyayari.

e. Karurukan at Kasukdulan

               Ang kasukdulan ay nang pumatay si Bandong ng isang tauhan mula sa korporasyon bilang bahagi ng kanyang paghihiganti. Ang kanyang aksyon ay nagbukas ng mas malalaking problema, at naging sanhi ng kanyang pagiging wanted at pagtugis sa kanya ng mga awtoridad. Sa kasukdulan, natapos ang lahat ng kanyang plano at nagkaroon siya ng isang matinding desisyon na magtago o mag-surrender.,

f. Kakalasan o pababang aksyon

               Ang pababang aksyon ay nang matutunan ni Bandong na ang kanyang mga anak ay nahuli na. Sa kabila ng kanyang galit at paghihiganti, nagdesisyon siya na sumuko upang iligtas ang kanyang mga anak mula sa matinding kapahamakan. Ang kanyang desisyon na ito ay nagbigay daan para sa mas malawak na pag-unawa sa kanyang pinagmulan at layunin.

g. Wakas

              Sa wakas, si Bandong ay pinatay ng mga awtoridad matapos siyang hatulan ng isang makatarungang sistema na hindi pa rin nakikita sa mga mahihirap. Ngunit ang kwento ng kanyang buhay ay patuloy na nagsilbing inspirasyon sa mga tao. Ang anak ni Bandong na panganay ay nagsulat ng isang libro na nagsalaysay ng buhay ng kanyang ama. Ang librong ito ay naging simbolo ng laban para sa katarungan at pagbabago sa lipunan.

II. Taglay na Bisa

               Ang kwento ay may malalim na epekto sa mambabasa. Ipinapakita nito ang epekto ng mga isyu sa lipunan, tulad ng hindi pagkakapantay-pantay at ang labanan ng mahihirap laban sa mga mayayaman at makapangyarihan. Ang kwento ni Bandong ay nagpapakita ng katapangan at pagmamahal sa pamilya, pati na rin ang kakayahan ng isang tao na magsakripisyo para sa mga mahal sa buhay.Habang naglalaban para sa katarungan, ang kwento ay nagbibigay ng aral na ang pagpapatawad at pagbabalik-loob ay may mga limitasyon, at ang pananagutan sa mga aksyon ay dapat isagawa.

V. Kamalayang Panlipunan

             Ang kwento ay isang matalim na pagninilay ukol sa kalagayan ng mga mahihirap at ang pakikibaka nila sa isang lipunang hindi patas. Ang kwento ni Bandong ay isang pagninilay sa mga isyung panlipunan tulad ng kawalan ng katarungan, ang pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga mayayaman, at ang mahihirap na kalagayan ng mga magsasaka. Ipinapakita nito kung paano ang mga makapangyarihang tao ay nakikinabang sa sakripisyo ng mga mahihirap, at kung paano ang hindi pagkakapantay-pantay ay nagiging sanhi ng mga mararahas na laban para sa mga karapatan.

VI. Teorya

         Ang kwento ay maaaring suriin sa pamamagitan ng Marxist Theory na tumatalakay sa mga isyu ng klaseng panlipunan


Monday, November 18, 2024

MGA MODERNONG KAGAMITAN SA PAGTUTURO

 



WHITEBOARD

Pinapalitan nito ang tradisyunal na pisara at nagbibigay-daan para sa digital writing, drawing, at pagpapakita ng multimedia.

MARKER

Isang uri ng modernong writing tool na kadalasang ginagamit sa pagtuturo at iba pang gawain.

PROJECTOR

Para sa pagpapakita ng PowerPoint presentations, videos, at iba pang digital content sa mas malaking screen.

SMART TV

Isang makabagong gamit sa pagtuturo na ginagamit sa mga modernong silid-aralan. Ito ay may kakayahang kumonekta sa internet at magpatakbo ng iba't ibang aplikasyon na makakatulong sa pagpapadali at pagpapayaman ng pagtuturo.

LAPTOP

Isang modernong kagamitan na ginagamit sa pagtuturo upang mapadali ang mga aktibidad sa klase at gawing mas epektibo ang proseso ng pagkatuto.

CANVA

Ang Canva ay isang online graphic design tool na madaling gamitin para sa paggawa ng iba't ibang uri ng materyales tulad ng posters, infographics, presentations, at worksheets

PPT

Ang PowerPoint ay nagbibigay ng sistematikong paraan ng pagpapakita ng aralin. Ang visual at interactive na approach nito ay nakatutulong sa mas epektibong pagkatuto.

Wednesday, November 13, 2024

MGA ONLINE LEARNING TOOLS NA MAAARING GAMITAN NG GURO SA PAGTUTURO







GOOGLE MEET

Isang video conferencing tool na bahagi ng Google Workspace. Pinapadali nito ang live na interaksyon sa pagitan ng guro at estudyante sa pamamagitan ng virtual na klase.MS TEAMS

Isang plataporma para sa collaboration at communication na bahagi ng Microsoft 365. May integrasyon ito sa iba pang Microsoft tools tulad ng Word, Excel, at PowerPoint.
 

GOOGLE CLASSROOM

Isang online learning management system (LMS) mula sa Google na nagbibigay-daan sa guro na mag- organisa ng mga aralin, takdang- aralin, at komunikasyon sa loob ng klase.

ZOOM

Isang tanyag na video conferencing tool na may malawak na gamit mula sa edukasyon, negosyo, at personal na komunikasyon.



Monday, November 11, 2024

Liwanag ng Pangarap

 



     Sa tahimik at simpleng baryo ng San Isidro, tanyag ang mag-asawang sina Jay-ar at Jonna dahil sa kanilang kabutihan at handang pagtulong sa kapwa. Labinglimang taon na silang kasal, at kahit maayos ang kanilang buhay, may isang bagay na matagal na nilang pinapangarap—ang magkaroon ng anak.

       Ayon sa doktor, may kondisyon si Jonna na nagiging hadlang upang siya’y magdalang-tao. Sa una’y tinanggap nila ito nang may pananampalataya, ngunit habang tumatagal, hindi maitatago ang lungkot na nadarama nila. Kapag nakikita ni Jonna ang mga magulang na masayang naglalaro kasama ang kanilang mga anak, hindi niya maiwasang maiyak. Si Jay-ar, kahit nasasaktan din, ay pilit na itinatago ang nararamdamang hinanakit upang maging sandigan ni Jonna sa kabila ng kanilang sitwasyon.

       Gabi-gabi silang sabay nananalangin. “Panginoon, tanggap po namin ang lahat ng plano ninyo. Ngunit kung maaari, bigyan Niyo kami ng pagkakataong maging magulang,” palagi nilang dalangin. Kahit walang katiyakan, nanatili silang umaasa at matatag sa kanilang pananampalataya.

       Isang araw, dumating ang balita mula kay Aileen, pinsan ni Jonna na isang solong ina. Nahihirapan si Aileen sa buhay matapos mawalan ng trabaho. Mayroon siyang tatlong buwang gulang na anak na si Micah, ngunit dahil sa hirap ng sitwasyon, kinailangan niyang mag-abroad upang makahanap ng mas magandang kinabukasan.

      “Hindi ko alam kung paano ko kakayanin ito, Ate Jonna,” umiiyak na pahayag ni Aileen. “Mahal ko si Micah, pero hindi ko siya madadala sa buhay na haharapin ko. Baka pwedeng kayo muna ang mag-alaga sa kanya?”

       Nagkatinginan sina Jonna at Jay-ar. Matagal na nilang pinag-usapan ang posibilidad ng pag-ampon, ngunit hindi nila inaasahan na ito’y darating mula mismo sa kanilang pamilya. “Mahal, baka ito na ang sagot sa ating mga dasal,” wika ni Jay-ar.

      Nagpasya ang mag-asawa na ampunin si Micah. Sa pagdating ng bata, tila nagkaroon ng bagong liwanag sa kanilang tahanan. Si Jonna, na madalas nalulumbay, ay muling ngumiti, at si Jay-ar ay naging masipag at masigasig sa trabaho upang masigurong walang kakulangan sa pangangailangan ni Micah.

      Habang lumalaki si Micah, lalong lumalim ang pagmamahal ng mag-asawa sa kanya. Tinuruan nila itong maglakad, magsalita, at unti-unting kilalanin ang mundo. Ikinuwento rin nila ang kwento ng kanilang buhay. “Micah, hindi ikaw isinilang ni Nanay Jonna, pero ikaw ang sagot sa aming mga panalangin. Ikaw ang aming milagro,” wika ni Jay-ar habang kinakarga ang bata.

      Sa piling ni Micah, tuluyang napuno ng saya ang kanilang pamilya. Hindi na nila naramdaman ang anumang kulang. Sa kabila ng mga pagsubok, napagtanto nilang ang pagiging magulang ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay-buhay, kundi pati na rin sa pagbibigay ng walang kapantay na pagmamahal at pag-aaruga.

       Ngayon, sa kanilang mga dasal, wala nang kahilingan, kundi pasasalamat. “Panginoon, maraming salamat sa biyayang si Micah. Siya ang liwanag ng aming buhay,” palagi nilang wika. Ang mag-asawa at si Micah ay nabuhay nang masaya at kontento, puno ng pagmamahalan at pag-asa.


Friday, November 8, 2024

Tata Selo Ni Rogelio R. Sikat



Ang “Tata Selo” ay isang makabagbag-damdaming kwento na nagpapakita ng matinding kawalang-katarungan sa mga mahihirap sa ilalim ng mapang-aping sistemang pyudal. Ang kwento sa buhay ni Tata Selo, isang matandang magsasaka na nakulong matapos niyang patayin ang asenderong nag-agaw ng kanyang lupain. Ang lupaing iyon ang tanging kabuhayan ng kanyang pamilya, at sa kabila ng kanyang pagmamakaawa, nanatiling matigas ang puso ng asendero. Dahil sa matinding galit, sama ng loob, at kawalan ng pag-asa, napatay niya ang asendero gamit ang itak.

    Dahil sa insidente, si Tata Selo ay nakulong at nahusgahan ng lipunan. Ang kanyang anak na si Saling ay dumalaw sa kanya sa kulungan at nagkasakit dahil sa hirap ng kanilang kalagayan. Habang siya’y nakakulong, naramdaman ni Tata Selo ang bigat ng kanilang sitwasyon, at ang kwento ay nagbigay-diin sa kawalan ng katarungan sa kanyang buhay at sa mga katulad niyang magsasaka. Ipinakita ng kwento ang hindi pantay na trato sa mga mahihirap at ang pang-aapi na nararanasan nila sa kamay ng mga may kapangyarihan.

     Ang kwento na walang tiyak na solusyon. Si Tata Selo ay nanatili sa kulungan, at ang kanyang kalagayan ay isang malupit na paalala ng sistematikong pang-aapi sa mga mahihirap. Ang kwento ay hindi lamang isang personal na trahedya, kundi isang panawagan para sa pagkakapantay-pantay at katarungan sa lipunan.


Tuesday, November 5, 2024

Walang Sugat Ni Severino Reyes

 

Buod

   Isinasalaysay ang kwento ng magkasintahang sina Tenyong at Julia na pinagbuklod ng wagas na pag-ibig sa kabila ng mga hamon ng digmaan at tradisyon. Si Tenyong, isang makabayan, ay napilitang iwan si Julia upang sumapi sa rebolusyon laban sa mga Kastila, isang desisyong nagdulot ng labis na pighati kay Julia. Habang wala si Tenyong, naharap si Julia sa matinding pagsubok dahil sa kagustuhan ng kanyang ina na ipakasal siya kay Miguel, isang mayaman ngunit hindi niya iniibig.

  Sa araw ng kasal nina Julia at Miguel, dumating si Tenyong na kunwaring sugatan at tila malapit nang bawian ng buhay. Sa harap ng mga bisita, hiling ni Tenyong na siya at si Julia ay magpakasal bago siya tuluyang mawala. Dahil sa awa at pagmamahal, pumayag ang lahat sa kanyang hiling. Ngunit sa wakas ng seremonya, inilahad ni Tenyong na siya’y walang sugat, isang taktika upang pigilan ang kasal ni Julia kay Miguel.

  Sa huli, nagkatuluyan sina Tenyong at Julia, at nagtagumpay ang kanilang pagmamahalan laban sa mga balakid ng digmaan, tradisyon, at panlilinlang.

     Bilang isang manonood, namangha ako sa dulang Walang Sugat sapagkat masining nitong naipakita ang malalim na pag-ibig ni Tenyong hindi lamang sa bayan kundi pati na rin kay Julia. Sa kabila ng mga hamon ng digmaan at tradisyon, ipinaglaban niya ang karapatan at kalayaan, kasabay ng kanyang pagmamahal. Ang mapanlikhang paraan ni Tenyong upang pigilan ang sapilitang kasal ni Julia kay Miguel ay nagbigay ng kapanabikan at damdaming tagumpay sa dulo.Ang kakaibang damdaming naramdaman ko kumpara sa panonood ng pelikula o telebisyon ay ang mas malalim na koneksyon sa mga tauhan at kwento. Sa dulang pangtanghalan, ramdam na ramdam ko ang emosyon ng mga aktor na tila direktang nakikipag-usap sa mga manonood. Ang live na pagtatanghal ay nagbibigay ng makatotohanang karanasan dahil walang anumang teknolohikal na pagbabago o pandagdag na maaaring makabawas sa epekto ng kanilang pag-arte. Dagdag pa rito, ang reaksyon ng iba pang manonood, tulad ng kanilang pagtawa o paghanga, ay nakakaimpluwensya rin sa damdamin ng bawat eksena. Sa kabuuan, ang dulang pangtanghalan ay nag-iiwan ng mas malalim at personal na impresyon na bihirang maranasan sa pelikula o telebisyon.




Sunday, November 3, 2024

PVL, ibinalandra eligibility rules sa foreign players; Alohi Hardy, ekis ngayong conference



  Ang Premier Volleyball League (PVL) ay nagpatupad ng bagong eligibility rules para sa mga foreign players, na nagresulta sa hindi pagpapahintulot kay Alohi Robins-Hardy na makapaglaro sa darating na All-Filipino Conference ngayong Nobyembre 2024. Ayon sa PVL, ang Fil-Am setter ng Farm Fresh Foxies ay kailangang sumunod sa kanilang mga alituntunin bago mabigyan ng pagkakataong maglaro.

  Sa isang opisyal na pahayag ng PVL na inilathala sa kanilang Facebook page, muling ipinaliwanag na si Hardy ay kailangang sumailalim sa drafting process ng liga at magpakita ng Philippine passport bilang bahagi ng eligibility requirements. Ang Farm Fresh Foxies, na siyang umaasa kay Hardy bilang isa sa kanilang pangunahing manlalaro, ay humiling na payagan ang setter na maglaro, ngunit nanindigan ang liga sa kanilang desisyon.

  Ayon sa PVL, ang mga alituntuning ito ay ipinatutupad upang masiguro ang patas na kompetisyon sa liga, kasabay ng pagbigay-daan sa mga homegrown talents na maipakita ang kanilang husay. Pinanindigan din nila na ang mga patakarang ito ay hindi eksklusibo kay Hardy, kundi ipinatutupad para sa lahat ng foreign players.

  Bagamat nagdulot ito ng kalituhan at diskusyon sa volleyball community, maraming tagasubaybay ang sumasang-ayon sa layunin ng PVL na gawing pantay ang kumpetisyon. Subalit, hindi maikakaila na ang desisyon ay nagbigay ng hamon sa Farm Fresh Foxies na kailangang humanap ng bagong estratehiya para manatiling kompetitibo sa torneo.

   Sa kabila ng kontrobersiya, nananatiling mataas ang kumpiyansa ng PVL na ang kanilang mga panuntunan ay magsisilbing tulay upang mas mapabuti ang kalidad ng liga. Ang hamon sa mga koponan ngayon ay kung paano nila masusulit ang oportunidad na ito upang higit pang mahasa ang mga lokal na manlalaro habang naghahanda para sa isa na namang kapanapanabik na season ng volleyball.


Laban Lang Kapwa ko Mag-aaral

 Para sa mga kapwa mag-aaral na nakakaranas ng mga pagsubok, nais kong iparating na hindi ka nag-iisa sa iyong pinagdadaanan. Alam ko na min...