Sunday, November 24, 2024

Maikling Kwento (Pag-ibig na Naglaho)




 Pag-ibig na Naglaho

          Isang araw, may isang babae at lalaki na magkaklase sa kolehiyo. Si Vienna, tahimik pero masayahing estudyante, at si Rhile, palabiro ngunit seryoso sa mga mahalaga sa kanya. Hindi nila akalaing magiging malapit sila sa isa’t isa, pero sa araw-araw nilang pagsasama, unti-unting nabuo ang isang pagkakaibigang kakaiba.

        “Vienna, salamat ha, lagi kang nandiyan para sa akin,” sabi ni Rhile habang sabay silang naglalakad pauwi. Ngumiti si Vienna. “Siyempre naman. Ano pa bang silbi ng best friend?” sagot niya, sabay tawa.

          Lumipas ang isang taon at kalahating buwan, at napagtanto ni Rhile na higit pa sa kaibigan ang nararamdaman niya para kay Vienna. Isang hapon, nagdesisyon siyang aminin ito.“Vienna, gusto kita,” sabi niya, halata ang kaba sa boses.Nagulat si Vienna, ngunit napangiti rin. “Alam mo ba? Matagal ko nang nararamdaman ‘yan. Ako rin, Rhile.”

            Simula noon, naging magjowa sila. Masaya ang kanilang relasyon—puno ng tawanan, kwentuhan, at lambingan. Sa klase, sabay silang gumagawa ng projects; sa gabi, mahaba ang oras nila para mag-video call. Sa bawat araw na magkasama sila, lalong tumitibay ang pagmamahalan nila.

           Makalipas ang ilang linggo, napansin ni Vienna ang pagbabago kay Rhile. “Rhile, bakit parang hindi ka na masyadong nagpaparamdam?” tanong niya minsang hindi ito tumawag.

“Pasensya na, Vienna. Masyado lang akong abala sa ML ngayon,” sagot ni Rhile habang nakatutok ang mata sa kanyang cellphone.

            Sa una, sinubukan ni Vienna na intindihin ito. Pero habang tumatagal, naramdaman niyang hindi na siya bahagi ng mundo ni Rhile. Isang gabi, nagpasya siyang bitawan ito.

“Kung saan ka masaya, Rhile, hayaan na lang kita,” malungkot niyang sabi.

“Vienna, sorry,” sagot ni Rhile. Pero ramdam niyang huli na ang lahat.

      Lumipas ang dalawang taon. Si Vienna ay abala sa kanyang pag-aaral, pilit na binubuo muli ang sarili. Isang araw, habang nagba-browse siya sa Facebook, nakita niya ang profile ni Rhile. May bagong girlfriend ito noon, pero napansin niyang mag-isa na lang ito ngayon. Hindi niya alam kung bakit, pero nag-message siya.

“Kamusta ka na, Rhile?”

“Okay lang. Ikaw?” mabilis nitong sagot.

Nagkasundo silang magkita, at sa simbahan sila nagtagpo. Habang naglalakad palabas, napansin ni Vienna ang malaking pagbabago kay Rhile.

“Parang namayat ka,” puna niya.

“Nagdyi-gym kasi ako,” sagot ni Rhile, sabay pakita ng mas matipunong braso.

Napatawa si Vienna. “Ah, kaya pala. Ang laki ng braso mo.”

Habang nagkukwentuhan, biglang tumahimik si Rhile. “Vienna, sorry sa lahat ng nagawa ko noon. Alam kong nasaktan kita.”

Ngumiti si Vienna. “Napatawad na kita, Rhile. Matagal na.”

      Pag-uwi, masaya si Vienna. Pero kinabukasan, tila nagbago muli ang ihip ng hangin. Hindi na ulit nagparamdam si Rhile. Sa pagkakataong ito, hindi na siya nagtanong o naghintay. Kaya naman hindi na muling nangulitbsi Vienna.

Habang nakatingin sa salamin, sinabi ni Vienna sa sarili, “Ang mahalaga, natutunan ko nang mahalin ang sarili ko.”


No comments:

Post a Comment

Laban Lang Kapwa ko Mag-aaral

 Para sa mga kapwa mag-aaral na nakakaranas ng mga pagsubok, nais kong iparating na hindi ka nag-iisa sa iyong pinagdadaanan. Alam ko na min...