Tuesday, October 15, 2024

Pangarap na Minimithi

 


  Si Vilmalyn ay isang masipag at matiyagang dalagita na lumaki sa hirap ng buhay. Bata pa lamang siya ay iniwan na siya ng kanyang mga magulang sa pangangalaga ng kanyang mga kapatid upang magtrabaho sa malayong lugar. Madalas siyang mangulila sa kanila, lalo na kapag may mahahalagang okasyon sa paaralan. Gayunpaman, buo ang kanyang pangarap na nais niyang maging isang guro upang makatulong sa mga magulang niyang kahit hindi nakakasama sa pang-araw -araw.


   Sa eskwela, palaging nakikita ni Vilmalyn ang kanyang mga guro na may malasakit sa mga mag-aaral. Pinangarap niyang maging katulad nila, isang tagapagturo at gabay sa mga nangangailangan ng kaalaman at inspirasyon. Alam niyang hindi madali ang kanyang landas dahil sa kakulangan sa pera at ang pagiging mag-isa, ngunit hindi siya nawawalan ng pag-asa.


  Sa bawat pagkakataong may libreng oras, nag-aaral si Vilmalyn nang mabuti at sinisikap matuto nang higit pa. Pinapanday niya ang kanyang sarili upang maging handa sa hinaharap. Iniisip niya ang mga sakripisyo ng kanyang mga magulang, at ito ang nagiging lakas niya sa mga panahong siya’y nahihirapan.


  Nangakong hindi susuko, sinabi ni Vilmalyn sa sarili na sa kabila ng mga pagsubok, magiging isang mabuting guro siya. Balang araw, magbabalik siya sa kanilang bayan upang makapagturo sa mga batang nangangailangan ng inspirasyon — isang patunay na kahit gaano kahirap ang buhay, kayang abutin ang pangarap sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, at pananalig.



No comments:

Post a Comment

Laban Lang Kapwa ko Mag-aaral

 Para sa mga kapwa mag-aaral na nakakaranas ng mga pagsubok, nais kong iparating na hindi ka nag-iisa sa iyong pinagdadaanan. Alam ko na min...